Wednesday, September 10, 2014

Questions and Contentment: Bakit kaya?

Ang tagal ko na din na hindi nakakapaglagay ng blog ko dito. Madami lang nangyari: nagpahinga, kumain, nagtrabaho, at kung anu-ano pa. Kung may nagbabasa man ng mga blogs ko, siguro 'yung iba nagtataka, "Aba, nag-Tagalog" , wala lang. Katulad nga nung sinabi ko dati, lahat naman ng nilalagay ko dito, impromptu. Wala na akong ginagawang edit-edit. Mas gusto ko lang mas ma-express siguro yung mga nasa isip ko kaya ganun.

Anyways, ang dami lang na nasa isip ko ngayon: blessings, problems, love, spirituality, basta yung mga yun. Nanghihinayang lang din ako. Parang ang dami kasing nagbago. Alam mo 'yung pakiramdam na 'yung mga kaibigan mo, parang iba na? Actually, isang bagay yan sa mga babae. Lumaki kasi ako na "one-of-the-boys", meaning mas nakaka-close ko 'yung mga lalaki. Siguro kasi boyish din kasi ang kilos ko, tapos 'yung mga trip nila, yun din. What I've noticed din kasi is that 'yung samahan ng mga lalaki, kahit anong mangyari, mawala man 'yung isa ng matagal o hindi, pag nagkita-kita parang walang pinagbago. Parehas yung hampas at asaran na meron sila. Ang napansin ko lang sa ilan sa mga kaibigan kong babae, parang pag nawala ka lang sa sirkulasyon nila ng, let's say, ilang linggo, parang hindi ka na nila kilala? Ok lang sana kung 'yung mga kaibigan mo na masasabi mo na hindi pa nasa Panginoon, ang nakakalungkot, kahit kasi yung mga "Sis" mo, ganun din. Napansin ko yan dito sa church na pinupuntahan ko ngayon. Ayoko makaramdam ng ganito, kaso hindi ko maiiwasan masaktan at magtampo. 

Nilipat kasi nila ako sa isang mission area mula dun sa main. After nun, (tapos naging in-a-relationship pa ako), parang iba na sila: as in silang lahat halos. Ayoko makaramdam ng ganito kasi ang lagi kong pinapaalala sa sarili ko na hindi dapat ako tumingin sa tao pero dapat sa Panginoon lang ako nakatingin. Pero nung nakaraan, yung isa sa tinuring ko na ate sa church, parang ang cold na lang bigla. Yung dating na halos beso-beso kayo, ngayon, ngiti lang. Ni hindi na nga nag-uusap. Nakakalungkot lang talaga. Ayokong ma-stumble. 

Nakakalungkot lang talaga. Ang dami ko kasi gusto sabihin sa kanya (maging dun sa iba), pero wala. Walang nakakahalata na gusto ko na din umiyak. Dinadalangin ko lang din sa Panginoon na makita ko din kung ano din yung blindspot ko. Ako lang ba ang nag-iisip nun o ano? Paano ba mabebreak yun?

Maging dependent lang talaga ako kay God. Mas maenjoy ko lang sana 'yung love at joy na talagang siya lang naman yung makakapagpuno sa buhay na pinagkatiwala niya. Maging kuntento sa kanya alone

Madami man akong tanong, alam ko nandyan si God. Madami man nangyari, alam ko hindi Niya ako pababayaan.

Dinadalangin ko lang na sana, tulungan niya ko na mag-extend pa din ng love and understanding sa puso ko sa lahat ng likha Niya.

No comments:

Post a Comment