Saturday, February 28, 2015

Pray! Pray! Pray! Isang Shoutout Para sa Salvation

Ngayong week na 'to, grabe lang yung pagkilos ng Lord sa buhay ko na ito na alam kong pinahiram Niya lang din naman sa'kin. Pero madami din naman na blessings in disguise ang dumating.

Sa totoo lang, ang bilis kong sumuko sa mga bagay-bagay. Konting aberya, ayoko na; konting hindi umayon, uurong na. Ang bilis ko kasi manghina lalo na sa simula ng lahat ng pagsubok na kinakaharap ko. 

Pero ang pinakakinatakutan ko, yung panahon na kahit pagiging anak ko ng Panginoon, gusto ko na rin isuko. Sobrang nawawala ako sa sarili ko nun.

Ang buhay na 'to, hindi na naman kasi tungkol sa'yo. Hindi na yan tungkol sa kung ano ang gusto mo o ayaw mo, sa kung anong gusto ng mundong ito, kundi sa kung anong gusto ng Panginoon sa'yo.

Madaming nagsasabi, lalo na pag may problema na silang kinakaharap, na kung tunay nga na Panginoon Siya at makapangyarihan Siya, bakit hindi Niya tanggalin ang problema na kinakakarap niya.

Eh matanong lang kita, ano na lang kaya kung yung sarili mong anak (kung may anak ka na o kung wala, isipin mo na lang) yung ibibigay mo para lang maligtas yung kapitbahay mo na may kasalanan, gagawin mo ba?

Yan ang ginawa ng Lord sa atin. Binigay Niya ang sarili Niyang anak for the salvation of the world.

Mahirap ang ginawa ni Jesus noong panahon na nandito siya. At saka, kung mababasa mo lang ang buong Bible, kahit lahat ng prophets ng Panginoon, dumaan din sa pagsubok at kahit ang kanyang Anak na si Jesus. Eh tayo pa kayang mga ordinaryong tao,  hindi dadaan? Aba'y swerte mo naman.

Ang sa'kin lang sana, pag may problema tayong kinakaharap, matuto tayong manalangin at magtiwala sa Kanya. At tandaan, hindi yan palaging parang magic o kaya instant noodles. Matuto ka lang maghintay sa tamang panahon na ibibigay Niya sayo. Kapit ka lang sa kanya.

Pray ka lang! Kapit ka at maniwala na 'yung panalangin mo sa Kanya, naririnig Niya. Kung hindi ka man Niya sinasagot sa paraan na nais mo, tandaan mo na nasa kanya ang Kaalaman ng sanlibutan at mas ALAM NIYA kung ano ang mas best sayo.

Never stop in praying.


Monday, February 9, 2015

Byahe: Pasada ng Buhay sa Piling ng Lumikha

Ikaw, saan ang punta mo? (Photo courtesy from Google) 


2015. Ngayon lang ulit lalapat ang mga letra sa muntng blog ko na ito. Madami lang pinagdananan. Madami ang ginawang desisyon. Madami ang gustong humadlang. Pero salamat sa Panginoon, nandito pa din, patuloy sa laban na araw-araw natin na kinakaharap.

Ilang beses niyo na bang narining na ang buhay, para lang daw isang paglalakbay? Yung tipong patuloy ka sa buhay, sa paglalakbay hanggang sa matunton mo na yung destinasyon mo?  Wag na kayong tumingin dyan sa kisame at mag-hanap ng sagot dahil sigurado ako na karamihan sa inyo ay “oo “ ang sagot.

Pero ganito naman ang tanong ko sa’yo, kung ang buhay mo sa mundong ito ay para kang naglalakbay, hindi dapat alam mo kung saan ang destinasyon mo? Di ba kapag tayo naliligaw, ano agad yung nararamdaman natin? Kinakabahan at natatakot na tayo diba? Eh paano kung naliligaw ka na pala sa paglalakbay na ito pero hindi mo alam, ano ang gagawin mo?

Halos dalawang taon na din ang nakalipas ng nagsimula ako sa paglalakbay na ito kasama ng Diyos. At halos dalawang taon na din ang nakalipas ng narinig ko ang tanong na ‘yan sa akin. Sa isip-isip ko, oo nga naman, saan nga ba ang puntahan ko? Pero aaminin ko sa inyo, magaling kasi akong mamilospo at magdahilan,kaya madalas akong may bato kapag ganyan na ang mga tanong sa akin. Lalo na kung ang usapan ay ang pananaw ko sa buhay at sa espiritwal na aspeto.

Bakit nga kaya ganun no? Kapag mga biruan at kalokohan na ang usapan, halos lahat magkaisa, pero kapag usapang Spiritual at sa Lord, ang sasabihan nila respetuhan na lang tayo ng paniniwala, wala ng usapan? (Tanong lang naman)

Ang dami nagtyaga sa’kin para lang ipaintindi sa akin ang bagay na yun. Wala kasing direksyon ang ‘byahe’ ng buhay ko nung mga panahon na yun. Palagi kong nilalagay sa kung anu-anong peligro ang buhay ko. Kung anu-anong kalokohan, gulo at bisyo ang pinasok ko nung mga panahon na ‘yun, hindi inaalintana ang posibilidad na magkakaroon ito ng hindi kaaya-ayang resulta sa hinaharap.

Pero may mga tao na ginamit ang Panginoon para hatakin ako at alisin sa landasin na ‘yun. Ito ako ngayon sa awa ng Diyos, patuloy na naglalakbay sa piling Niya. Pwede mong sabihin na bakit ko pa pinili na umalis sa mga bagay na komportable ako para sa mga bagay na hindi ako sigurado, parang ganun lang din naman ang buhay mo dati. Isa lang ang maisasagot ko dyan, sigurado naman ako na kasama ko ang Panginoon sa mga oras na ito, na kahit madalim at wala kang nakikitang sagot sa paligid, alam mo na nandyan ang Panginoon sa’yo ay isang malaking kompyansa sa buhay kahit saan ka pa pumunta.

Kung isusulat ko dito ang buong byahe ko sa buhay na muling ginawad ng Panginoon sa akin, hindi ko alam kung paano ko mapupunan lahat ng ito. Sobrang hindi mo mailalapat sa iilang letra ang salita ang lahat ng ginawa ng Poong Lumikha sa bawat pagsubok at galak sa buhay mo.


Ang sa’kin lang kapatid, sana nawa ay makita moa ng importansya ng paglalakbay na ito na hindi ka nag-iisa, bagkus kasama mo Siya. :)

Friday, October 31, 2014

Simulan Mo ng Tama

Gusto ko lang umiyak ngayon sa Panginoon at humihing ng tawad sa kanya. Gusto kong lang siyang pasalamatan ngayon sa dinami-dami ng bagay na patuloy niyang pinapakita sa'kin.

Simula't simula ng buhay ko, hindi ako karapat-dapat pero nandito pa rin ako, nagpapatuloy.

Start things right kapatid. Huwag kang pangunahan ng takot o kung ano. Simulan mo ng tama ang lahat ng gagawin mo. At syempre, simulan mo lahat sa Kanya.

Simulan mo sa ganon bago pa maging huli ang lahat. Pero sana, tandaan mo, positibo man o negatibo ang maging resulta, palagi ka lang bumalik sa Kanya.

Monday, September 22, 2014

Minsan talaga Mahirap lang ma-Gets, Gets mo?

Photo not mine.



Ito na naman ako. Binubuhay uli ang blog na 'to.

Nakakatuwa lang si God, patuloy Niya pinapakita 'yung mga defect mo at the same time, patuloy ka din Niya pinapaalalahanan na mas malaki ang kaya Niyang gawin sa buhay mo.

Ang dami lang nangyari. Yung iba pa dun, hanggang ngayon hindi pa din ayos o wala pa din na linaw. Pero isa lang 'yung natanto ko ng totoo, yung bagay na gagawin mo dahil sa pagmamahal mo kay God, minsan ang dating sa ibang tao, kahibangan. Maapektuhan ka talaga sa mga naririnig mo, lalo na at asahan mo na yung mas magsasalita yung mga tao na malapit sa'yo.

Masyado tayong segurista sa lahat ng bagay. Aminin natin nyan. Kumbaga sa termino ng mundo, konti lang ang risk-taker. Kaya nga naimbento ang statistics at math para i-measure yan ih (na-segway pa talaga). Pero minsan, ang gusto talaga ng Lord, magkaroon lang tayo ng faith sa Kanya. Imagine Niyo, paano kaya 'yung mga karamihan sa mga taga-sunod Niya, nakapagpatuloy kahit wala sila na kahit anong possessions dito sa mundo? God will Provide. Pero minsan, ang gusto Niya, we just let Him do it IN HIS WAY. Madalas kasi, dumidiskarte tayo ng hindi naka-ayon sa kanya.

Hindi ko nagagawa lahat 'to. Pinapatutunan lang din ni God sa akin. Ang sakin lang, wag tayong maging secure sa mga bagay na dito mo lang sa mundo makikita. There are far more important things, katulad na lang ng mga souls of men na hindi pa nakakakilala sa Kanya.

Everyone are called but only few responds. Sana magrespond din tayo sa kung ano ang tinatawag Niya sa iyo.

May problema at problema na kahaharapin ka, ang gusto Niya mas maging matatag ka sa Kanya; na mas tingnan mo Siya.  May mga tao na magsasalita at magsasalita, pero mas gusto Niya na mas marinig mo yung Boses Niya.

Hindi ko nagagawa lahat, pero by His grace lang din kung bakit ina-allow ni God na makita ko 'yung mga bagay bagay na ito at naniniwala ako na para din ito sa growth ko sa Kanya at para mas maging dependent ako sa Panginoon.

Salamat sa Inyo Dakilang Ama. Mahal po kita. Tulungan po nawa Ninyo ako at naniniwala ako na mas madami po Kayong magagawa kesa sa sarili ko.

Wednesday, September 10, 2014

Questions and Contentment: Bakit kaya?

Ang tagal ko na din na hindi nakakapaglagay ng blog ko dito. Madami lang nangyari: nagpahinga, kumain, nagtrabaho, at kung anu-ano pa. Kung may nagbabasa man ng mga blogs ko, siguro 'yung iba nagtataka, "Aba, nag-Tagalog" , wala lang. Katulad nga nung sinabi ko dati, lahat naman ng nilalagay ko dito, impromptu. Wala na akong ginagawang edit-edit. Mas gusto ko lang mas ma-express siguro yung mga nasa isip ko kaya ganun.

Anyways, ang dami lang na nasa isip ko ngayon: blessings, problems, love, spirituality, basta yung mga yun. Nanghihinayang lang din ako. Parang ang dami kasing nagbago. Alam mo 'yung pakiramdam na 'yung mga kaibigan mo, parang iba na? Actually, isang bagay yan sa mga babae. Lumaki kasi ako na "one-of-the-boys", meaning mas nakaka-close ko 'yung mga lalaki. Siguro kasi boyish din kasi ang kilos ko, tapos 'yung mga trip nila, yun din. What I've noticed din kasi is that 'yung samahan ng mga lalaki, kahit anong mangyari, mawala man 'yung isa ng matagal o hindi, pag nagkita-kita parang walang pinagbago. Parehas yung hampas at asaran na meron sila. Ang napansin ko lang sa ilan sa mga kaibigan kong babae, parang pag nawala ka lang sa sirkulasyon nila ng, let's say, ilang linggo, parang hindi ka na nila kilala? Ok lang sana kung 'yung mga kaibigan mo na masasabi mo na hindi pa nasa Panginoon, ang nakakalungkot, kahit kasi yung mga "Sis" mo, ganun din. Napansin ko yan dito sa church na pinupuntahan ko ngayon. Ayoko makaramdam ng ganito, kaso hindi ko maiiwasan masaktan at magtampo. 

Nilipat kasi nila ako sa isang mission area mula dun sa main. After nun, (tapos naging in-a-relationship pa ako), parang iba na sila: as in silang lahat halos. Ayoko makaramdam ng ganito kasi ang lagi kong pinapaalala sa sarili ko na hindi dapat ako tumingin sa tao pero dapat sa Panginoon lang ako nakatingin. Pero nung nakaraan, yung isa sa tinuring ko na ate sa church, parang ang cold na lang bigla. Yung dating na halos beso-beso kayo, ngayon, ngiti lang. Ni hindi na nga nag-uusap. Nakakalungkot lang talaga. Ayokong ma-stumble. 

Nakakalungkot lang talaga. Ang dami ko kasi gusto sabihin sa kanya (maging dun sa iba), pero wala. Walang nakakahalata na gusto ko na din umiyak. Dinadalangin ko lang din sa Panginoon na makita ko din kung ano din yung blindspot ko. Ako lang ba ang nag-iisip nun o ano? Paano ba mabebreak yun?

Maging dependent lang talaga ako kay God. Mas maenjoy ko lang sana 'yung love at joy na talagang siya lang naman yung makakapagpuno sa buhay na pinagkatiwala niya. Maging kuntento sa kanya alone

Madami man akong tanong, alam ko nandyan si God. Madami man nangyari, alam ko hindi Niya ako pababayaan.

Dinadalangin ko lang na sana, tulungan niya ko na mag-extend pa din ng love and understanding sa puso ko sa lahat ng likha Niya.

Monday, August 11, 2014

Start from the Top

Do you ever felt that feeling wherein you're guilty of something that you find it very hard to try on things again? And the thing that you must do is to do everything from the start? I believe you felt this before.

I can truly feel this sensation much especially whenever I commit sin. Yes, I still did things knowing or unknowing to me. It is our nature. But God want us to be cleanse from our sin and not to dwell in them.

And I'm struggling so much in denying myself. But I also find delight as well on not doing things that won't give glory for the Lord. Kinda hard but truly enjoyable.

I really don't know what to say for now. I'm quite on my down moments right now. But by God's sufficient grace, I definitely know that I am in His Divine Hands. 

Refresh. Restart. Press your reset button and do everything for God's glory. 

Tuesday, July 15, 2014

Too Quiet you Think? PRAY

"But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, long-suffering, gentleness, goodness, faith, meekness, temperance: against such there is no law."

-Galatians 5:22-23

Have you ever felt that God in some of your moments was too quiet? That He wasn't listening to you? Or that He's not answering? I felt those so many times! And we usually grumble and let irritation strikes us out. 

But God always teach and reminds me that I should not worry and let the negativity sink in me. God wanted me to be more dependent on Him and to PRAY more.

You'll ask, "what should I pray?". Well, you could pray anything to God! But what I learned was that despite on not hearing Him, negative outcomes or shortcoming, we should be thankful to Him.

And no matter what, let the Spirit filled your life.

 Listen to Him more than to yourself.