![]() |
Ikaw, saan ang punta mo? (Photo courtesy from Google) |
2015. Ngayon lang ulit lalapat ang mga letra sa muntng blog ko na ito. Madami
lang pinagdananan. Madami ang ginawang desisyon. Madami ang gustong humadlang.
Pero salamat sa Panginoon, nandito pa din, patuloy sa laban na araw-araw natin
na kinakaharap.
Ilang beses niyo na bang narining na ang buhay, para lang
daw isang paglalakbay? Yung tipong patuloy ka sa buhay, sa paglalakbay hanggang
sa matunton mo na yung destinasyon mo? Wag na kayong tumingin dyan sa kisame at
mag-hanap ng sagot dahil sigurado ako na karamihan sa inyo ay “oo “ ang sagot.
Pero ganito naman ang tanong ko sa’yo, kung ang buhay mo
sa mundong ito ay para kang naglalakbay, hindi dapat alam mo kung saan ang destinasyon
mo? Di ba kapag tayo naliligaw, ano agad yung nararamdaman natin? Kinakabahan
at natatakot na tayo diba? Eh paano kung naliligaw ka na pala sa paglalakbay na
ito pero hindi mo alam, ano ang gagawin mo?
Halos dalawang taon na din ang nakalipas ng nagsimula ako
sa paglalakbay na ito kasama ng Diyos. At halos dalawang taon na din ang
nakalipas ng narinig ko ang tanong na ‘yan sa akin. Sa isip-isip ko, oo nga
naman, saan nga ba ang puntahan ko? Pero aaminin ko sa inyo, magaling kasi akong mamilospo at magdahilan,kaya madalas akong may bato kapag ganyan na ang
mga tanong sa akin. Lalo na kung ang usapan ay ang pananaw ko sa buhay at sa
espiritwal na aspeto.
Bakit nga kaya ganun no? Kapag mga biruan at kalokohan na
ang usapan, halos lahat magkaisa, pero kapag usapang Spiritual at sa Lord, ang
sasabihan nila respetuhan na lang tayo ng paniniwala, wala ng usapan? (Tanong
lang naman)
Ang dami nagtyaga sa’kin para lang ipaintindi sa akin ang
bagay na yun. Wala kasing direksyon ang ‘byahe’ ng buhay ko nung mga panahon na
yun. Palagi kong nilalagay sa kung anu-anong peligro ang buhay ko. Kung anu-anong
kalokohan, gulo at bisyo ang pinasok ko nung mga panahon na ‘yun, hindi inaalintana
ang posibilidad na magkakaroon ito ng hindi kaaya-ayang resulta sa hinaharap.
Pero may mga tao na ginamit ang Panginoon para hatakin
ako at alisin sa landasin na ‘yun. Ito ako ngayon sa awa ng Diyos, patuloy na
naglalakbay sa piling Niya. Pwede mong sabihin na bakit ko pa pinili na umalis
sa mga bagay na komportable ako para sa mga bagay na hindi ako sigurado, parang
ganun lang din naman ang buhay mo dati. Isa lang ang maisasagot ko dyan,
sigurado naman ako na kasama ko ang Panginoon sa mga oras na ito, na kahit
madalim at wala kang nakikitang sagot sa paligid, alam mo na nandyan ang
Panginoon sa’yo ay isang malaking kompyansa sa buhay kahit saan ka pa pumunta.
Kung isusulat ko dito ang buong byahe ko sa buhay na
muling ginawad ng Panginoon sa akin, hindi ko alam kung paano ko mapupunan
lahat ng ito. Sobrang hindi mo mailalapat sa iilang letra ang salita ang
lahat ng ginawa ng Poong Lumikha sa bawat pagsubok at galak sa buhay mo.
Ang sa’kin lang kapatid, sana nawa ay makita moa ng importansya
ng paglalakbay na ito na hindi ka nag-iisa, bagkus kasama mo Siya. :)
No comments:
Post a Comment